Paano maghabol sa Overseas Student Health Cover
Ang direct billing medical network
Ang non-direct billing medical network
Maaari kang magbayad ng buong halaga sa medical provider at gamitin ang tax invoice (resibo) sa pagsumite ng claim o maaari mong sabihin sa amin para sa direktang pagbabayad sa medical provider.
Maraming madaling paraan sa paghahabol, kabilang ang:
Maghabol sa pamamagitan ng Allianz MyHealth app
Gamitin ang Allianz MyHealth app sa pagsumite ng paghahabol, makita at ma-update ang inyong mga detalye sa pagka-miyembro kasama ng iyong e-membership card at pagkagamit sa aming 24-hour helpline.
- I-Download ang app mag-login sa portal (Kung hindi mo pa ito ginawa).
- Magpatala para sa isang account. Tiyakin na nakahanda ang inyong policy number.
- Pindutin ang ‘Submit claim’.
- I-upload ang mga kopya ng mga babayaran at resibo.
Pag-email na paghahabol (claim)
- I-download ang claim form
- I-printa at kompletuhin ang porma
- I-scan ang nakumpletong porma at mga iba pang kaugnay na papeles tulad ng mga resibo sa pagpapagamot.
- I-email ang mga ito sa oshcclaims@allianzcare.com.au na kasama ang inyong policy number sa email subject line.
Maaari ring ipadala sa koreo ang inyong claim at mga resibo sa:
Allianz Care Australia OSHC
Locked Bag 3001
Toowong QLD 4066
Ano ang mangyayari pagkasumite mo a ng inyong paghahabol (claim)?
Kapag natanggap namin ang inyong claim, gagawin namin ito sa loob ng 10 araw na may opisina, basta kumpleto ang lahat na kinakailangang impormasyon. Dapat mong malaman na ang pagpapadala sa koreo at pagbabangko ay maaaring nagtatagal ng ilang araw.
Kung nagpadala ka ng paghahabol tungkol sa inyong pagkakagamot na nabayaran mo na, makakapagpili ka sa mga sumusunod na paraan ng pagkakabayad ng inyong benepisyo:
- Electronic funds transfer – idedeposito namin ang pera sa inyong itinalagang Australian bank account
- Tseke – papadalhan ka ng tseke sa inyong Australian postal address
Kung hindi ka nagbayad sa pagkakagamot, maaari naming direktang bayaran ito sa gumamot sa inyo. Pakisulat ito sa inyong claim form at tiyaking isumite ito sa pinakamadaling panahon upang mabayaran namin ito sa takdang araw.