family on holiday in Australia looking over sydney harbour

Ang Overseas Visitor Health Cover

Bilang mga eksperto sa internasyonal na paseguro sa kalusugan, kami ay nangangako na gagawing simple at kasiya-siya ang iyong paglalakbay sa Australya.
Access your health care
Kung may mangyayari, makakatiyak ka sa aming malakihang ugnayan ng mga doktor at tagabigay lunas sa buong Australya.
24/7
Nakahanda kaming tumulong kung kailan kami kailangan sa pamamagitan ng aming 24/7 na pang-emergency and at pantulong na matatawagan para sa mga miyembro.
Online Certificate
Bumili sa online at kayo ay makakatanggap ng iyong Certificate of Insurance sa pamamagitan ng email.
Ang aming OVHC na mga polisiya, maliban sa Value Visitors Cover, ay nakakasagot sa mga pangangailangan ng Pamahalaang Australya para sa sapat na health insurance (visa condition 8501).
telehealth powered by doctors on demand
Makipag-usap sa isang doktor habang nasa bahay ka. Ang mga miyembro ng Allianz Care Australia na bumili ng Standard, Mid o Top na paseguro ay maaaring makipag-usap sa isang kwalipikadong doktor na nasa Australya 24/7 sa pamamagitan ng telepono o video. Ang Doctors on Demand ay hindi matatawagan ng mga may paseguro at polisiya na Budget Working at Budget Visitors.
DAGDAGAN ANG KAALAMAN


Naiintindihan namin na ang pagpasok sa isang bagong bansa ay maaaring nakakatakot na karanasan. Kaya nagbuo kami ng serye ng mga babasahin na pantulong at pangsuporta, pagtulong sa inyo sa paglalayag sa sistema ng pangkalusugan at iyong paseguro.

TULONG AT SUPORTA
Find a doctor online tool

 

Ang aming kagamitan sa paghahanap ng doktor ay makakatulong sa paghahanap ng mga pinakamalapit na propesyonal sa pangkalusugan na direktang makakasingil sa amin. Mangyaring ilagay lamang ang iyong postcode at piliin ang inyong pinakamalapit na propesyonal sa pangkakalusugan.

MAGHANAP NG DOKTOR

Ang Overseas Visitor Health Cover (OVHC) ay paseguro sa kalusugan para sa mga internasyonal na bisita na bumibisita o nagtatrabaho sa Australya na may pansamantalang visa (temporary visa). Ang OVHC ay makukuha ng mga taong naglalakbay sa Australya para sa bakasyon, bumibisita sa mga kamag-anak, o para sa mga pansamantalang nagtatrabaho.

Kung nagkasakit ka o nagkaroon ng isang aksidente habang ikaw ay nandito sa Australya, ang Allianz Care Australia OVHC ay tutulong sa iyo na bayaran ang iyong mga gastusing pangmedikal.

 

Ang Allianz Care Australia ay nagbibigay ng OVHC para sa iba’t-ibang mga kwalipikadong visa. Mula sa visa ng mga bisita hanggang sa visa ng mga nagtatrabaho kabilang ang 485, 485, 417, 600, 601 at 651. Kung ang iyong visa subclass ay hindi nakalista sa pahina ng mga visa na saklaw namin, kami ay hindi magbibigay ng Overseas Visitor Health Cover para sa visa na iyon.

Maliban kung ikaw ay isang mamamayan ng Australya o New Zealand, isang permanenteng residente ng Australya, o isang mamamayan ng isang bansa na mayroong isang Reciprocal Health Agreement sa Australya, hindi ka magiging kwalipikado para sa Medicare – ang sistema ng pampublikong paseguro sa kalusugan. Kung walang Medicare, ang bayad para sa pagpapagamot ay maaaring may kamahalan.

Kung ang iyong visa ay napapailalim sa condition 8501, kinakailangan kang magpanatili ng sapat na paseguro sa kalusugan para sa iyong sarili at sa sinumang kapamilya. Nangangahulugan ito na sapilitan para sa pangunahing may hawak ng visa (primary visa holder) na magpanatili ng sapat na paseguro sa kalusugan para sa kanilang sarili at sa sinumang mga sinusustentuhan at/o mga kasama na nakalista sa visa para sa kabuuan ng kanilang pananatili.

Maaaring may mga panahon kung ikaw ay may sakit o napinsala at nangangailangan ng tulong. Saklaw ng iyong OVHC para sa mga gastos na pangmedikal na karaniwang sakop ng sistema ng Medicare ng Australya kung ikaw ay isang residente ng Australya.

Kung ikaw man ay dumadating sa Australya para sa isang bakasyon, bumibisita sa pamilya o mga kaibigan, o bimibisita para sa trabaho, nagbibigay kami ng OVHC na nakakatugon sa visa condition 8501 na nailalapat sa 482 Temporary Skill Shortage at 485 Temporary Graduate na mga visa, pati na ang iba pa.

Maaaring gustong ituring ng mga bisita na galing sa ibang bansa ang OVHC upang makatulong na bayaran ang pagpapagamot sa Australya dahil maaari itong mahal at maaaring hindi ka kwalipikado para sa Medicare (ang sistema ng pampublikong paseguro sa kalusugan para sa mga residente ng Australya). Kinakailangan ang OVHC kung ang iyong visa ay napapailalim sa condition 8501. Ang mga policy ng OVHC ng Allianz Care Australia, maliban sa Value Visitors Cover, ay nakakatugon sa mga kinakailangan ng sapat na paseguro sa kalusugan (visa condition 8501).

Kapag ikaw ay malayo sa sariling bayan, mahalagang malaman na ang pagpapagamot ay nakukuha at abot-kaya kung sakaling may mangyayari sa iyo.

Para sa mga nauugnay na uri ng visa na napapailalim sa visa condition 8501, kinakailangan ng Pamahalaan ng Australya na ikaw at ang iyong mga sinusustentuhan ay mayroong sapat na paseguro sa kalusugan para sa kabuuan ng inyong pamamalagi sa Australya.

Magsisimula ang iyong cover sa alinmang mas huli sa iyong petsa ng pagsisimula na nakalagay sa iyong Certificate of Insurance, ang petsa na ipinagkaloob ang iyong kwalipikadong visa o ang petsa ng iyong pagdating sa Australya.

Magtatapos ang iyong cover sa petsa ng iyong pag-alis mula sa Australya, ang petsa na hihinto ang iyong paghawak ng isang kwalipikadong visa, ang petsa ng pagkansela namin o ikaw ng iyong policy o sa petsa ng pagtatapos na nakalagay sa iyong Certificate of Insurance, alinman ang mauna.

Maaaring madali kang makapagsagawa ng isang claim (paghahabol) sa iyong OVHC policy sa pamamagitan ng pagpuno sa PDF claim form at pagkatapos ay isumite ito sa pamamagitan ng email kasama ang iyong mga sumusuportang dokumento at mga resibo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang paano magsagawa ng isang OVHC claim.
Ang OVHC para sa Mid at Top Working Cover ng Allianz Care Australia ay kabilang ang extras cover para sa dental at optical. Ang aming Top Working Cover ay kabilang din ang extras cover para sa physio at mga hearing aid.
Ang gastos para sa iyong OVHC ay magdedepende sa ilang ng mga bagay-bagay kabilang ang iyong visa, ang antas at tagal ng cover at ang bilang ng mga taong kasama sa iyong cover.

Sa Australya, ang pangangalaga sa kalusugan ay binubuo ng isang pinaghalong mga serbisyo na pinondohan ng Pamahalaan ng Australya at ng pribadong paseguro sa kalusugan. Ang mga residente ng Australya ay awtomatikong sinasagot para sa maraming mga gastusin na pang-ospital at medikal sa ilalim ng panukalang Medicare ng Pamahalaan, ngunit maraming mga Australiano ay pinipiling kumuha ng karagdagang cover sa pamamagitan ng sistema ng pribadong pangangalaga sa kalusugan.

Sagot ng Medicare ang mga gastos na bahagi ng medikal, ospital at parmasyutiko, ngunit hindi saklaw ang mga serbisyong medikal na katulad ng mga gastos sa pribadong ospital, dentista, physiotherapy at mga katulad na serbisyo, pang-emerhensyang tulong ng ambulansya o iba pang mga transportasyon papunta sa ospital.

Para sa mga internasyonal na manggagawa at mga bisita na hindi saklaw ng Medicare, maaari mong bilhin ang Overseas Visitor Health Cover (OVHC).

Kung kinakailangan ng iyong uri ng visa na magpanatili ng sapat na paseguro sa kalusugan habang ikaw ay nasa Australya (visa condition 8501), natutugunan ng mga OVHC policy ng Allianz Care Australia, maliban sa Value Visitors Cover, ang pangangailangan ng sapat na paseguro sa kalusugan.

Kung ang iyong uri ng visa ay hindi napapailalim sa condition 8501 at hindi ka kwalipikado para sa Medicare, baka gusto mong bumili ng isang Allianz Care Australia OVHC policy upang masiguro na mayroon kang cover para sa anumang hindi inaasahang pangangalagang medikal o ospital na maaari mong kailangan habang nasa Australya.

Ang aming Value Visitors Cover ay maaaring makuha para sa mga bisitang galing sa ibang bansa na wala pang 50 taong gulang at hindi kinakailangang magpanatili ng sapat na paseguro sa kalusugan para sa tagal ng kanilang visa.

Maaari mong suriin ang mga kundisyon ng iyong visa dito

Para sa listahan ng mga visa na saklaw namin, i-klik dito

 

Nag-aalok kami ng ibat-ibang paseguro na nababagay sa inyong mga pangangailangan.