Allianz Care Homepage Banner image

Allianz Care Australia

Tamasahin ang inyong pamamalagi sa Australya at nandito lang kami para sa iyo lalo na kapag kailangan ninyo kami

Sa Australya, ang pangangalaga sa kalusugan ay binubuo ng iba’t-ibang mga serbisyo na pinondohan ng Pamahalaan ng Australya at ng pribadong pangkalusugang paseguro (private health insurance). Ang mga mamamayan ng Australya ay awtomatikong protektado sa maraming mga gastusin ng ospital at pagpapagamot sa ilalim ng panukalang Medicare ng pamahalaan, ngunit maraming mga Australyano ay pinipiling kumuha ng karagdagang paseguro sa pamamagitan ng sistema ng pribadong pangangalaga sa kalusugan.

Sagot ng Medicare ang mga gastusin sa pagpapagamot, ospital at mga gamot, ngunit hindi sagot ang mga serbisyong pangmedikal na kagaya ng mga gastusin sa pribadong ospital, para sa dentista, physiotherapy at mga katulad na serbisyo, tulong ng pang-emerhensyang ambulansya o iba pang mga transportasyon papuntang ospital.

Ang mga mag-aaral at manggagawa na galing sa ibang bansa at mga bisita ay hindi kwalipikado para sa Medicare. Depende sa uri ng iyong visa, maaari kang makabili ng  Overseas Visitor Health Cover (OVHC) o Overseas Student Health Cover (OSHC)