
Allianz Care Australia
Ang Overseas Student Health Cover
Bakit mo dapat piliin ang Allianz Care Australia

Matugunan mo ang inyong mga pangangailangan sa visa
Madali mong mapanatili ang inyong health insurance para sa inyong pamamalagi habang may hawak kang student visa. |

Paggamit ng aming health network

May 24/7 na teleponong pang-emerhensya

Sonder
Kami ay susuporta sa inyo habang nasa Australya

Ang Allianz Care Telehealth ay pinapatakbo ng Doctors on Demand

Ang Allianz MyHealth app

Ang online na kagamitan sa paghahanap ng doktor

Ang Ospital sa Tahanan
Mga palaging itinatanong
Upang matugunan ang mga pangangailangan ng student visa at pagiging kwalipikado para sa OSHC, nangangailangan ang Pamahalaan ng Australian na mayroon kang walang tigil na OSHC para sa kabuuan ng iyong pamamalagi sa Australia, maliban lamang kung may nalalapat na eksepsyon. Kapag bibili ka ng OSHC, kailangan mong bayaran ang iyong policy premium nang pauna upang may cover ka para sa kabuuan ng iyong student visa.
Single – saklaw lamang ang mag-aaral mula sa ibang bansa na siyang pangunahing may hawak/aplikante ng Student Visa*
Dual family – sumasaklaw sa mag-aaral mula sa ibayong-dagat at ang kanilang kapartner, o ang mag-aaral mula sa ibayong-dagat at ang kanyang sinusustentuhang mga anak
Multi-family – sumasaklaw sa mag-aaral mula sa ibang bansa, isang kasintahan, at ang kanilang sinusustentuhang mga anak
*Mahalagang tandaan: kung may hawak kang secondary Student Visa, dapat kang may paseguro na nasa ilalim ng parehong policy ng primary Student Visa holder (panguning may hawak ng Student Visa). Hindi ka kwalipikado na humawak ng iyong sariling OSHC policy kung ikaw ay isang secondary Student Visa holder o isang dependant (sustentado). Ang asawa o de facto partner ng isang pangunahing may hawak ng Student Visa o applikante ay itinuturing na isang secondary Student Visa holder.
Bilang isang international student, kinakailangang panatilihin mong may sapat kang paseguro sa kalusugan para sa kabuuan ng iyong pamamalagi sa Australia maliban lamang kung nailalapat ang isang eksepsyon. Ang mga mag-aaral mula sa ibang bansa na hindi nagpapanatili ng sapat na paseguro sa kalusugan ay nasa panganib na makansela ang kanilang visa.
Maaaring bigyan ng Allianz Care Australia ang Department of Home Affairs ng pangalan at mga detalye ng pagkontak sa sinumang miyembro na nagkansela ng kanyang Policy o na-refund ang kanyang premium.
Kung may hawak kang secondary Student Visa, dapat kang may paseguro na nasa ilalim ng parehong policy ng primary Student Visa holder (pangunahing may hawak ng Student Visa). Hindi ka kwalipikado na humawak ng iyong sariling OSHC policy kung ikaw ay isang secondary Student Visa holder o isang dependant (sustentado). Ang kabiyak ng isang pangunahing may hawak ng Student Visa o aplikante ay itinuturing na isang secondary Student Visa holder.
Kung malaman namin na ikaw o at sinumang mga sustentado (dependants) ay hindi nakabili ng tamang uri ng OSHC policy, maaaring abisuhan ka namin na dapat mong ilipat ang iyong policy sa tamang uri ng OSHC policy. Bibigyan namin kayo at ng iyong mga sustentado ng makatwirang panahon upang makapagsagawa ng pagwawasto sa iyong OSHC policy. Kung ikaw at iyong mga sustentado ay mabigong tumugon at magsagawa ng pagwawasto, maaari naming ilipat ang iyong OSHC policy o mga policy sa wastong uri ng OSHC policy at bibigyan kayo ng isang binagong invoice (singil). Kung kayo at ang inyong mga sustentado ay mabigong bayaran ang binagong invoice pagsapit ng tinukoy na petsa, maaari naming hindi ibigay ang mga benepisyo na babayaran para sa mga serbisyong nasa ilalim ng iyong policy.
Pagkabayad ng isang binagong invoice, muli kaming mag-iisyu ng mga papeles ng policy at i-credit ang anumang mga waiting period na natapos na sa ilalim ng iyong dating OSHC policy.
Kinakailangan ng Pamahalaan ng Australya na mayroon kang patuloy na OSHC para sa buong panahon ng iyong pamamalagi sa Australya. Maaari kang bumili ng OSHC para sa iminungkahing panahon ng iyong Student Visa.
Petsa ng Pagsisimula
Ang petsa ng pagsisimula ng iyong OSHC policy ay dapat na magkapareho sa iyong petsa ng pagdating sa Australya o ang petsa na ipinagkaloob ang iyong student visa, alinman dito ang mas huli, upang masiguro na may cover ka para sa kabuuan ng iyong pamamalagi.
Petsa ng Pagtatapos
Ang petsa ng pagtatapos ng iyong OSHC policy ay dapat na magkapareho sa iyong petsa ng pag-alis mula sa Australya o ang petsa ng pagtatapos ng iyong student visa, upang masiguro na may cover ka para sa kabuuan ng iyong pamamalagi.
BASAHIN ANG POLICY WORDING UPANG MADAGDAGAN ANG KAALAMAN
Ang Allianz Care Australia ay may dalawang magkakaibang mga paraan kung paano ka maaaring magsagawa ng isang claim sa OSHC.
- Mag-claim online sa pamamagitan ng MyHealth online members portal.
- I-download ang aming MyHealth app upang pangasiwaan ang lahat ng iyong mga claim sa iyong smart phone.
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pagsasagawa ng isang claim sa OSHC dito.