Responsable ka na siguraduhin na ang iyong Overseas Student Health Cover (OSHC) ay palaging balido.
Kung ang iyong policy ay mag-expire habang ikaw ay nag-aaral sa Australya gamit ang isang student visa, hindi mo maaaring habulin ang iyong mga gastusin sa pagpapagamot para sa anumang pagpapagamot habang wala kang insurance. Kinakailangan sa Student Visa na ang OSHC ay dapat patuloy sa buong termino ng iyong Student Visa. Kung magpapaso ang iyong OSHC habang ikaw ay may hawak ng Student Visa, at gusto mong mag-renew ng iyong OSHC, dapat mong bayaran ang mga premiums ng panahon na nagpaso ito.
Upang mag-renew sa nagpasong policy, kontakin kami.
Pinapahaba mo ba ang panahon ng iyong pag-aaral?
Kung may balak kang pahabain ang iyong umiiral na student visa o nag-aapply para sa isang bago, kakailanganin mong bumili ng isang OSHC policy para sa pinahabang panahon bago ka mag-aplay para sa iyong visa.
Kapag nakabili ka na ng isang OSHC policy para sa pinatagal na panahon, bibigyan ka namin ng isang sertipiko upang isumite kasama ang iyong visa application.
Makakabili ka rin ng karagdagang cover sa pamamagitan ng pag-log on sa Allianz MyHealth App o MyHealth Portal. Para sa direksyon kung paano makabili ng karagdagang cover, basahin ang aming MyHealth Guide.