Ang mga nararapat na visa na aming binibigyan ng Health Insurance
Maghanap ng paseguro ayon sa uri ng visa
Mga working visa
Ang mga work visa na ibinigay ng Australya ay nagpapahintulot sa mga may hawak nito ng temporary visa na kumuha ng mga panandalian, napaka-espesyalista, at hindi patuloy na trabaho na siyang mahalagang bahagi sa sektor ng mga pagtatrabaho sa Australya. Itong mga work visa ay itinatalaga upang dadami ang pagkakaibat-ibang kagalingan sa negosyo, matugunan ang kakulangan ng may-kasanayan sa trabaho, at maparami ang talento sa pagnenegosyo sa loob ng Australya.
- 188 Business Innovation & Investment (Provisional)
- 400 Temporary Work (Short Stay Activity)
- 401 Temporary Work (Long Stay Activity)
- 402 Training and Research
- 403 Temporary Work (International Relations)
- 407 Training
- 408 Temporary Activity
- 416 Seasonal Worker Program
- 457 Skilled Temporary Work
- 461 New Zealand Citizen Family Relationship Visa
- 476 Skilled Recognised Graduate
- 482 Skills in Demand (replaces the Temporary Skill Shortage TSS visa)
- 485 Temporary Graduate
- 489 Skilled Regional (Provisional)
- 491 Skilled Work Regional (Provisional)
- 494 Skilled Employer Sponsored Regional (Provisional)
Mga working holiday visa
Ang mga working holiday visa ay nagpapahintulot sa mga may hawak nito na makapagtrabaho habang nagbabakasyon sa Australya. Ang layunin ng mga visang ito ay ang pakikipagpalitan ng mga pinahahalagahan sa kultura at kagalingan at kasanayan, habang ang mga may hawak nito ay nakakaranas ng mga bagay na iniaalok ng Australya. Ang mga may hawak ng working holiday visa ay makakapagtrabaho ng full time sa Australya, ngunit nakatuon sa panahon na itatalaga mismo ng bawat taga-empleyo.
- 417 Working Holiday
- 462 Work and Holiday
Mga visitor visa
Ang mga visitor visa ay ibinibigay sa mga taong bumibisita ng Australya dahil sa nagbabakasyon, namimisita sa mga kaibigan at kamag-anak, mga pang-sosyal o pang-aliwang kadahilanan, o mga ibang panandaliang panahon ng pagbibisita at di-pagtatrabaho. May mga ibat-ibang uri ng visa na makukuha para sa pamimisita ng Australya na nagtutukoy ng kung gaano katagal ang pamamalagi, pagkamamamayan, kasalukuyang lokasyon at layunin ng pagbisita. Ang mga may hawak ng visitor visa ay may limitadong mga karapatan sa pagtatrabaho sa Australya. Ang mga may hawak nito ay maaaring dumalo sa mga pagpupulong tungkol sa negosyo at mga kurso ng panandaliang pagsasanay, ngunit hindi makakapagtrabaho na may taga-empleyong Australyano.
- 300 Prospective Marriage Visa
- 580 Guardian Visa
- 590 Student Guardian Visa
- 600 Visitor
- 601 Electronic Travel Authority
- 651 eVisitor
- 870 Sponsored Parent (Temporary) Visa
Mga bridging visa
Ang mga bridging visa ay mga pansamantalang visa na ibinibigay habang pinoproseso ang aplikasyon para sa mas nararapat (substantive) na visa. Depende sa bridging visa, maaari kang makakabalik o hindi sa Australya kung ikaw ay umalis ng bansa habang naghihintay na ma-aprubahan ang iyong substantive visa. Nagkakaiba ang mga bridging visa tungkol sa mga karapatan na magtrabaho – ang ilan ay may karapatang magtrabaho ng lubusan habang ang iba ay nangangailangan ng pagpapatunay ng pagiging pagkamaralita upang mabigyan ng mga karapatan na makapagtrabaho dahil sa kahirapan sa pera.
Mga student visa
Nagbibigay din kami ng pasegurong pangkalusugan para sa mga overseas student. Dagdagan ang kaalaman tungkol sa Overseas Student Health Cover (OSHC) para sa visa 500.